Tuesday, June 17, 2008
hindi ko alam
pero parang may bumubulong sa diwa ko
na kausapin kita ulit.

hindi ko alam
pero sa tuwing makikita kita
hindi ko mapigilang ngumiti.

hindi ko alam
kung bakit nandyan ka pa rin at hindi umaalis
na patuloy na pinaasa ang puso kong sabik.

hindi ko alam
kung tama pa ba itong nararamdaman ko
at tama ba itong iniisip ko.

hindi ko alam
hindi mo rin alam.
pareho lang yata tayong mangmang.


wished by adeodatus * 6:32 PM

2 Comments:

Post a Comment

...Back